└(=^‥^=)┐
My Neighbor Totoro.
Sino na po ang nakanood ng movie na ito?
E kasi, feeling ko konti pa lang e. Kasi, parang sumisikat na siya ng konti, si Totoro pero matagal ko nang napanood yung movie nito, mga elementary pa ako noon. Parang Domo ba noon. Ang dami nang ganitong stuff sa Comic Alley. Pati mga classmates ko e kilala siya. Mayroon pa nga silang bag e. Pero nang tanungin ko sila kung napanood na ba nila, hindi raw e.
Tapos kinanta ko pa yung kanta diyan. Sabi nila, ang galing ko naman daw, nao-OP ko sila. Ako lang kasi ang nakakaalam e.
Ayon, sina Mei at Satsuki nga pala yung dalawang babae diyan, si Mei yung mas maliit. Yun, namimiss ko nang panuorin yan. Hiniram kasi ng pinsan ko yung CD tapos hindi na binalik. -,-
Totoro-totoro~














